Make your own free website on Tripod.com
 
 
HARANA
Music by: Eric Yaptangco/Parokya ni Edgar
Words by: Eric Yaptangco
 
Uso pa ba ang Harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba `tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba...
 
Meron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas!
At nariyan pa ang barkada
Naka-porma, naka-barong
sa awiting daig pang minus-one at sing-along...
 
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin ako'y nababaliw, giliw!
At sa awitin kong ito, sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko...
sa isang munting harana....para sa 'yo.
 
Hindi ba't parang sine?
Isang pelikulang romantiko
Hindi ba't ikaw ang bidang artista
at ako ang iyong leading man
Sa istoryang nagwawakas sa pag-ibig na wagas...
 
 
 
 
BACK